Ama, 2-anyos na anak niratrat habang natutulog

DAHIL hindi sinipot ang imbitasyon, isang mag-ama ang niratrat ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan habang natutulog sa kanilang bahay sa Surigao del Sur province kagabi (Biyernes, Nobyembre 5).

Sinabi ni Police Supt. Martin Gamba, Caraga regional police spokesperson, ang mag-amang sina Bienvenido Tamosa,
34-anyos at ang kanyang 2-anyos na anak na si  Princess Krizha Mae ay kapwa dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng M15 at M14 rifles sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ikinasa na ang pagtugis para panagutin sa krimen ang may 10 hanggang 15 suspek na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa bahay ng mag-ama sa Barangay Kinayan, Barobo town.

Ayon kay Gamba, bago ang insidente ay ipinatawag umano ng mga rebeldeng NPA ang biktima para sa isang dayaloga na ikinasa malapit sa kabundukan ng barangay Tambis.

Pero dahil sa pangambang may mangyaring masama sa sarili ay hindi nito sinipot ang imbistasyon.

Kinagabihan, biglang dumating sa lugar ang mga armadong suspek at pinaulalanan agad ang bahay ng natutulog na mag-ama.

Nakarekober ang pulisya ng 17 spent shells mula sa Carbine rifle sa crime scene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply