Ama inireklamo sa pangmomolestiya sa anak

NAHAHARAP sa iba’t ibang kaso ang isang ama makaraang ireklamo ng sariling anak sa pangmomolestiya sa kanya sa Sitio Damayan, Barangay 105 sa Tondo, Maynila.

Nabatid na dumulog sa Manila Police District (MPD) Station 1 ang 12 anyos na biktima kasama ang ina para sampahan ng reklamo ang suspek na si Ramil Sulayaw.

Sa salaysay ng ina ng biktima, nagsumbong ang kanyang anak na lagi daw siyang hinihipuan ng kanyang tatay kaya kinompronta niya ito ngunit namato pa ito ng sangkalan sa loob ng bahay dahil sa kalasingan.

Tumama naman ang sangkalan sa apat na taong gulang na pamangkin ng suspek na naputukan pa ng ulo kaya’t nagsampa na rin ito ng reklamo sa pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply