Ama nalingat sa kati-text; anak dedbol sa alon

HINDI namalayan ng isang mister na inanod at nilamon na ng alon ang kanyang 7-anyos na anak dahil sa kanyang pagti-text sa karagatan na sakop ng Barangay Bonbon, Cagayan de Oro City, iniulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Elou Jane Linsangan, residente ng Purok 3 Barangay Dansolihon ng nabangit na lugar.

Sa pagtatanong ng mga awtoridad ay nabatid na naliligo ang bata sa dagat na binabantayan ng kanyang ama.

Ngunit nalingat ang ama ng biktima dahil sa pagte-text sa kanyang asawa.

Agad na naisugod pa ang bata sa Northern Mindanao Medical Center ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng mga dumalong doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply