Amok na parak nilamog ng mga kapitbahay

LAMOG ang isang pulis nang kuyugin siya ng kanyang mga kapitbahay matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa Brgy. Nilombot Mapandan, Pangasinan.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan si P01 Claro Velasco, ng Brgy. Golden at naka-assign sa PNP Sto. Tomas.

Bago ang insidente, pinara ni Visperas kasama ang kanyang kapatid na si Clifton ang traysikel na minamaneho ni Ignacio Visperas residente ng Nilombot, at kanilang niyayang makipag-inuman, subalit tinanggihan niya ang mga ito at umuwi na.

Makalipas lamang ang ilang sandali ay bumalik si Ignacio kasama ang kapatid na si Benigno para naman dumalo sa isang lamayan.

Pagdaan sa lugar ay muli silang pinara ng pulis, ngunit kanilang tinanggihan ang alok nitong alak dahilan upang magwala ang pulis at paputukan si Benigno.

Nakailag naman ang huli at nagawang agawain ang kalibre .45 ng baril ni PO1 Velasco.

Agad namang sumaklolo ang mga residenteng nakakita sa insidente at binugbog ang pulis at kapatid nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply