Amonsot bigo sa WBO title fight

MINALAS si dating ALA boxer Czar Amonsot na makuha ang WBO light welterweight title laban kay defending champion Solomon Egberime.

Ang bakbakan ng dalawa sa Melbourne Pavilion sa Flemington, Australia ay nauwi sa split draw.

Napabagsak ni Amonsot si Egberime sa round seven ngunit hindi nakasapat iyon para maipanalo ang laban.

Si Judge Dale Westerman ay nagtala ng score na 113-113 draw, habang si Andrew Campbell  ay pinanalo si Egberime sa score na 114-113 at si Aneeka Williams ay nagtala ng gayunding 114-113 margin para kay Amonsot.

Parehong isang taon nang nagpahinga sina Amonsot at Egberime.

Ang huling laban ni Amonsot ay noong mapanalunan niya ang vacant WBO Asia Pacific lightweight title sa pamamagitan ng 2nd round knockout laban kay Thai Sirichai Ekchumpol noong September 23, 2010 matapos mabigong makabangon ang kalaban sa opening round.

Sa split draw na desisyon, ang 26-anyos na si Amonsot ay umusad ang record sa 22-3-2 taglay ang 12 knockouts habang ang 33 taong gulang na si Egberime ay nabago ang kartada sa 21-3-1 kasama anbg 11 knockouts.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply