An obstruction of justice case for Genelyn Magsaysay?

ASIDE FROM her verbal tussle with Senator Bong Revilla, Genelyn Magsaysay finds herself embroiled in an even more precarious situation.

Lumikha kasi ng isyu ang iponost ni Genelyn on her Facebook account ang pagtatanong ng isang babae sa dalawa sa tatlong inaresto sa pagpaslang sa anak niyang si Ram Revilla (the other suspect being Ramon Joseph o RJ).

Naniniwala si Atty. Ana Luz Cristal-Tenorio, abogado ng dalawang suspek na sina Michael Cruz Althea at Roy Francis Tolisora, na maaaring mabutasan si Genelyn ng obstruction of justice  since anumang impormasyong maaaring manggaling sa mga ito ay kailangang meron siyang pahintulot.

Kinatigan naman ng pulisya ang opinyon ng lady lawyer as such footage could be used in court against Genelyn or the very perpetrator behind it in an attempt to establish the suspects’ no prior knowledge of RJ’s identity or personal information.

In their counter affidavits, idinidiin nina Althea at Tolisora ang magkapatid na RJ at Maria Ramona o Mara.

With this new development, ang dapat sana’y katarungang minimithi ni Genelyn ay mukhang siya na rin mismo ang sisilat, if such footage—which has already been erased on her Facebook account— would prove to be her kitschy handiwork.

XXXX

A FEW WEEKS from now ay kasagsagan na ng promo para sa mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2010, one of which ay ang Panday 2 ni Bong Revilla.

Pero pagsabihan man ng tatayong facilitator ng presscon nito ang press to simply ask questions related to the movie is also one of “fantasy-adventure.” With its lead character still reeling from a twin family tragedy, mukhang mahihirapang salagin ng espada ni Flavio ang mga tanong tungkol sa Ram Revilla case.

But this adds even more to the mindset of the moviegoing public na tangkilikin ang Panday, with or without the real-life tragedy.

Pero pauna nang salita para kay Genelyn, as she might misconstrue the event as Bong’s platform to ensure the box office success of his movie. Lest she forget, ang naunang aklat nito was a monster hit. It’s just too bad that Flavio—for all his might and strength—is a fictional character, while the one who breathes life into it is made of human stuff.

XXXX

IF ONLY for her island experience, itinuturing ni Alyssa Alano na isang malaking source of realizations sa buhay ang pagiging bahagi ng isang reality show sa GMA.

Alyssa has Aifha Medina for a partner, palibhasa both belong to the same managerial stable of Tita Annie. As a team, like all the other competing pairs ay nag-isip din ang dalawang hitad ng kanilang matinding game plan to withstand the tough challenges.

“Siyempre po, Kuya Ron, ang goal naman ng lahat, eh, pagbutihan mo ‘yung mga ipagagawa sa amin. And before po ako napapayag na sumali sa show na ‘yon, kinundisyon ko na rin po ang isip at katawan ko na hindi po biro ang naghihintay sa akin sa isla,” sabi ni Alyssa.

But of all the important lessons that the island adventure taught her, alin doon ang hindi niya makakalimutan?

“Sa tingin ko po, ‘yun ‘yong pagkakaroon ng paraan para maka-survive ka sa buhay. Puwedeng sa isla ka nakatira, o sa siyudad, o saan pa mang lugar na mahirap ang buhay, pero laging may paraan, basta gamitin mo lang ang isip mo at tamang diskarte,” mala-pam-beauty contest na sagot ni Alyssa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply