An open letter on delayed salaries of DOH-ARMM Basilan nurses

I AM posting verbatim this letter complaint on the delayed salaries of nurse-trainees in DOH-ARMM Basilan. The response of DOH-ARMM officials will be posted as soon as their side on the issue has been secured.

Isa po akong concern citizen na gustong maipahayag ang saloobin ng aking kaibigan na isang R.N. HEALS sa Probinsya ng Basilan. Hindi ko na sya pangangalanan for security purposes.

Inirereklamo po nila yung pagpapasweldo sa kanila ng DOH-ARMM. 1st 3months, on time nilang nare-receive ung sahod nila… Actually hindi nga yun maitatatawag na sweldo kc ayon sa napag-usapan, yun ay isa lamang allowance since sila ay mga NURSE-TRAINEE sa programang ito ni President Noynoy.

Pina-open sila ng account for ATM sa Land Bank para doon nila mare-receive yung sahod nila but nung nagsweldo sila nung 1st salary sa zamboanga, salwa hotel, ang sabi nung taga-bigay ng pera which is SIR JIMMY OF COTABATO OFFICE, mag open daw ulit ng account sa UCPB Bank kasi daw kung hindi daw ng dahil sa UCPB, nawala na daw yung pera nila.

After that 3 months na regular na pagpapasweldo sa kanila in cash, doon na nagkaaberya… For the month of June at July na-delay ang sweldo nila dahil according sa Central Office, late nag-submit ng liquidation ang mga probinsyang Tawi-Tawi, Jolo, Marawi at iba pa.. Kaya late rin na-release yung budget para sa ARMM.

August 28, ni-release ang sahod ng R.N. HEALS still in cash pa rin not through ATM for the month of June at July sa PHO OFFICE, Isabela,Basilan. ANdoon sina Sir Jimmy, Dra. Roda  Prinsepe, Sawiya Muhajid (coordinator ng R.N. HEALS) At Nida Salain (coordinator ng MECA).

Hindi pa binigay sa kanila yung sahod for the month of august kahit andoon na rin yung pera sa kanila kasi accordingly hindi pa tapos yung bwan well in fact 2 days na lang at matatapos na yung bwan ng agosto.

Natapos na nga ang August, hindi pa rin binigay sa mga R.N HEALS ng Basilan ang allowance for the month of august  dahil  sabi ni Sir Jimmy, si DRA. RODA daw kasi ayaw pa ipabigay at ayaw umano ng Doctora na ito na magsweldo na wala ang presensya niya ayon kay JIMMY yung taga-release ng sweldo ng r.n.heals basilan.

And worst thing, dineposit daw kasi yung pera sa joint account nila  DRA. RODA PRINSEPE at SIR HARRYBERT dahil  pumunta umano si JIMMY ( na sumusweldo sa mga r.n.heals)  sa MECCA para mag-Hadj sabi ni SAWIYA MUHAJID na isang R.N.HEALS COORDINATOR at nasa seminar pa daw yung Doctora.

Pero nung dumating na itong si DRA. RODA PRINSEPE, ang rason na naman ay wala pa daw si HARRYBERT. Kailangan daw kasi yung signature nya para ma-withraw yung pera sa Land Bank. Around 2nd or 3rd week of September, binigay na sa kanila yung allowance for august in cash by SAWIYA,the coordinator.

Ngayon naman, 2 months na naman delayed sahod nila, for the month of September at October kasi sabi ni Jimmy, hindi pa daw nirelease ng Sentral office ang pera para sa kanila (r.n.heals) for unknown reason. Saan na ba talaga ang pera para sa mga nurses na ito?Hindi ba nila naisip na gumagastos rin ang mga ito para sa pagkain at transportasyon nila papaunta sa far flung areas kung saan sila assign? Kaya nga nag-apply dito sa programang ito kasi sa opportunity na madagdagan ang kaalaman at experience  at higit sa lahat dahil may 8,000 silang matatanggap na allowance as stated.

Sana naman mabigyan ito ng attensyon ng mga kinauukulan. Kawawa ang mga nurses na ito.
Paano na lang yung mga may mga Pamilya?? Kung ang mga MILF nga binayaran ng pamahalaan ng ilang bilyong piso para matahimik ang Mindanao sa  gera sana bigyang linaw din ang mga nurse trainee ng Basilan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply