Anak ng ex-mayor, utas sa holdap

NATODAS ang anak ng isang dating mayor ng Ilocos Norte town matapos na holdapin kaninang madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala ng 9mm pistol sa mukha at sa may kanang bahagi ng katawan nito ang biktimang si Ashely Madamba, 45-anyos, anak ni dating mayor ng San Nicolas na si Benjamin Madamba.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang pumaslang sa biktima maliban lamang sa salasay ng testigo na tatlong kalalakihan ang huling nakitang sakay ng biktima bago ito natagpuang patay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-2:00 ng madaling araw sa isang madilim na bahagi ng Barangay San Agustin.

Teyorya naman ni Chief Inspector Lelan Benigno, hepe ng pulisya ng San Nicolas, posibleng nagpanggap ang mga suspek na pasahero at nagpahatid sa biktima na suma-sideline na isang tricycle driver sa lugar para holdapin lamang ito.

May mga senyales ring nanlaban ang biktima dahil sa kanyang tama sa mukha na karaniwang ikinakasa ng mga holdaper kapag pumalag ang kanilag biktima.

Nabatid din na nakarinig ang mga residente sa lugar ng sunod sunod na putok ng baril pero dahil ayaw na lamang madamay sa gulo ay binalewala na lamang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply