Anak ni Mayor Recom pasado sa NY Bar Exam

IPINAGMALAKI ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang anak na si Atty. Juan Crisostomo “Juris” Echiverri dahil sa pagkakapasa sa katatapos na New York Bar Examination na ginanap ngayong taon.

Ayon kay Mayor Recom, walang pagsidlan ang nararamdaman niyang kasiyahan nang makarating sa kanyang kaalaman na pumasa ang anak na si Juris sa New York Bar Exam na isa sa mga pinapangarap ng mga abugado sa bansa.

“Para sa isang ama, wala na siguro akong mahihiling pa sa mga nakamit ng aking mga anak at ang panibagong karangalan na ito ng aking pamilya ay inihahandog ko sa aking mga kababayan,” sabi pa ni Mayor Echiverri.

Si Juris na nagtapos ng kanyang abugasya sa University of the Philippines (UP)-Diliman at kumuha naman ng kanyang masters in law sa University of Pennsylvania hanggang sa makapasa sa New York Bar Exam.

Bukod dito, nagtapos din si Juris ng Bachelor of Science, Major in Management sa Ateneo de Manila University (ADMU) kung saan din nito tinapos ang kanyang primary at secondary education na may karangalan.

Naging miyembro din ang batang Echiverri ng UP-Diliman Purple Feather (Honors Society) at nahalal din bilang Bise-Presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) CALMANA (Caloocan-Malabon-Navotas) Chapter noong 2009.

Si Juris na dating Samahang Kabataan Chairman ng Barangay 84, Caloocan City ay associate ng Picazo Buyco Tan Fider and Santos Law Offices.

Nakatanggap din ito ng legal writing award for professional responsibility para sa kanyang “You, Me and the Firm: Tracing the Historical Development of Legal Practice from Practice to Law Firms.

Ang iba pang ipinagmamalaking mga anak ni Mayor Recom ay sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojude “RJ” Echiverri na nagtapos ng AB Philosophy sa San Beda at ngayon ay nag-aaral ng law sa San Sebastian; Giandelu Carissa, UP-Diliman-Education; Erika Margaux, University of the East (UE)-Dentistry, King John; at Ericson, Ateneo Interdisciplinary study, Ateneo Law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply