Anakbayan di kontento sa 2012 national budget; kilos-protesta ikakasa

HINDI umano patas o biased para sa mga bangko at korporasyon ang 2012 national budget. Ito ang sinabi ng militanteng grupong Anakbayan sa ginawang pagdinig sa Senado kaugnay ng 2012 national budget

Ayon kay Anakbayan Party-list National Chairperson Vencer Crisostomo, kinokondena nila ang pagtatapyas ng budget sa mga State Universities and Colleges at social services na hindi nabibigyan ng kaukulang pansin ng administrasyong Aquino.

Dahil dito, nagbabala ang grupo na magkakaroon sila ng serye ng malawakang kilos-protesta hangga’t hindi pa naisasabatas ang national budget na tatawaging “Day of rage” at Mendiola camp-out.

Hinimok din ng grupo na sumama ang lahat ng sektor, organisasyon at indibidwal sa day of rage ngayon, Nobyembre 24 hanggang 25 at sa Disyembre 6 naman ang camp-out protest sa Mendiola.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply