Andal Sr. ‘di na kailangan sa poll fraud probe

UPANG matiyak na wala nang aberya sa mga pagdinig ng komite,  nagpasya ang Department of Justice (DOJ) na huwag nang padaluhin sa pagdinig ng DOJ-COMELEC investigating committee si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, ang pinuno ng komite, nababahala ito sa maging dahilan pa ng mga panibagong gusot kung maglalabas-pasok si Ampatuan sa piitan para sa proceedings ng DoJ-Comelec probe team.

Ang matandang Ampatuan ay isinangkot ni dating Maguindanao provincial administrator Nuri Unas sa sinasabing pandaraya sa halalan noong 2004 at 2007 ng kampo ni dating Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Arellano na sa halip dumalo pa si Ampatuan ay magpapadala na lamang sila ng piskal sa Camp Bagong Diwa para mapanumpaan ni Ampatuan ang kanyang isusumiteng counter affidavit para na rin sa kanyang seguridad.

Si Andal Sr ay sinasabing may malaking papel na ginampanan sa nangyaring dayaan para sa 12-0 votes pabor sa team Unity sa Maguindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply