Andres Bonifacio life, works and ideals ituturo sa kolehiyo

BILANG paggunita sa ika- 148th anniversary ng kapanganakan ni national hero Andres Bonifacio, hinikayat ni Kabataan Rep. Raymond “Mong” Palatino ang Kongreso na ipasa ang panukalang isama sa college curricula ang kurso hinggil sa life, works and ideals ni Andres Bonifacio.

Nakasaaad ito sa House Bill no. 4353 o ang “Andres Bonifacio Act of 2011” na naglalayong patatagin ang pagpapahalaga ng pagiging makabayan at patriotism ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo ng subject tungkol kay Bonifacio.

“Including a course on the life, works and ideals of Andres Bonifacio in college will help strengthen the values of nationalism and patriotism among the youth. Bonifacio is a luminary whose challenges and lessons in nation-building remain very relevant up to this day,” ani Palatino.

Si Andres Bonifacio ay kilala bilang isa sa founder at lider ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, isang  kilusan para makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol

Binigyang linaw ni Palatino na si Bonifacio ay katulad na rin ng maraming kabataan na sumusuporta sa kanyang mga kapatid.

“Bonifacio, like many of the youths today, is from a poor working class family and had to work at an early age to support his siblings.  Yet the circumstance did not hinder him from recognizing his historical part in the fight for social change. We are, in many respects, contemporaries of Bonifacio”, dagdag pa ng solon

Mahalaga aniyang maimulat din ang mga kabataan sa kagandahang asal na pinakakailangan sa paghubog ng katauhan, para sa komunidad at para sa pangkalahatang pagbabago.

Kasama ni Palatino si Rep. Antonio Tinio of ACT Teachers, na nagsulong din ng House Resolution no. 1149 hinggil sa pagsasagawa ng imbestigasyon para sa kalidad ng pagtuturo sa kasaysayan ng Pilipinas sa elementarya at sekondarya, kabilang ang pag-asess ng curricila, textbooks, programs at mga kaugnay na aktibidades tungkol sa  kasaysayan ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply