Ang Anti-kickbak Act

HANGGANG saan makararating ang panukala ngayon sa Kamara na ideklarang krimen ang kikbak sa mga kontrata sa pamahalaan?

Heto ang ilang nilalaman ng panukala.

Kulong: hindi bababa sa 5 taon ngunit hindi lalagpas sa 20 taon.

Multa: hindi bababa sa P5,000 ngunit hindi tataas sa tatlong beses ng halaga ng kikbak at bawat kikbak ay may patong na multang P10,000 ngunit hindi lalagpas sa P200,000.

Kung isang opisyal o empleyado ng gobyerno ang nagkasala rito, maaalisan din siya ng karapatan na maupo sa anomang opisina ng gobyerno habambuhay.

Lumalabas na kung makalulusot sa mga batas laban sa mga korap at mandarambong ang wais na opisyal o empleyado, maaaring sasa-bit siya sa batas laban sa mangingikbak.

oOo

Balik tayo sa tanong kung saan makararating ang panukala o sabihin nating batas na ito, kung ipapasa ng Kongreso at Palasyo.

Halos lahat ng mga kongresman at senador, Suki, ay may pork barrel o gatasan na mga pondo at proyekto.

Mayroon ding pork barrel maging ang Malakanyang, derpor, maging ang mga alipores ni PNoy.

At meron ding mga pork barrel ang mga lokal na pamahalaan.

Itong anti-kikbak na batas bang ito ay mapatitigil ang kikbak ng mga taga-Palasyo, Kongreso at lokal na pamahalaan sa kanilang mga sariling pork barrel?

Kung iisipin, bibihira ang mga malalaking pulitiko na walang nakatayong negosyo o kompanya na kumokontrata sa mga proyekto ng pamahalaan.

Kapag nag-divest ba ang mga ito sa mga kompanya nila ay hindi na masasabit ang mga ito sa batas na anti-kikbak?

Sapagkat, makaraang matalo o matapos ang termino ng mga ito, bumabalik sila na may-ari ng mga kompanya na laging nakakakuha ng kontrata sa gobyerno.

Sey niyo, Suki?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply