Ang mahiwagang tweets ni Mo na siya lang ang nakaiintindi

SI Annabelle Rama kaya ang pinapasaringan ni Nadia Montenegro sa tweet n’ya na: “Im so motivated na n ready for my role later sa shooting. Nagbebenta ako ng tahong, PALENGKERA ang role ko. Guess whos my PEG/INSPIRATION?”

Kanya po ang capitalization for emphasis, pati na ang nawawalang punctuation marks. Parang text din ang pagtu-tweet, dahil sinu-shortcut ang mga sentence, di kinukumpleto ang ilang salita, at madalas ay di grammatical sa Ingles man o sa Filipino. One hundred forty characters lang kasi ang allowed sa bawat tweet, kaya sinu-shortcut ang lahat.

Mga ala una ng madaling araw nung Biyernes itinwit ni Nadia ang mistulang pasaring na yon kay Annabelle. Pareho silang parang blind item kung magpasaringan: walang pangalang binabanggit. Bahala na ang reader na mag-interpret kung sino ang pinapatungkulan.

Pero di gaya ng text ang Twitter. Private communication ang text, dahil kung kanino mo lang ipinadala, sila lang ang makakabasa (pero pwedeng i-forward kung kani-kani-no). Ang tweet, lahat ng nagpa-follow (sumusubaybay) sa iyo, makakabasa –at lahat ng followers mo ay pwedeng i-re-tweet sa followers nila ang anumang nai-tweet sa kanila. Parang Facebook ang Twitter.

Samantala, ang sinasabi ni Nadia na pelikula n’ya ay ang Pikit Mata na nabanggit namin sa isang kolum namin dito, dahil naitsika ito sa amin ni Romano Vasquez na nasa cast din nito. Actually, nabanggit din ni Nadia sa iba n’ya pang tweets ang titulo ng pelikula na isang gay indie film na ididirek ng entertainment reporter na si Ronald Carballo. Ang dating entertainment editor na si Arman Reyes naman ang associate director n’ya.

May iba pang tweets si Nadia nung Biyernes ng madaling araw na yon na parang mga pasaring din sa kademandahan n’yang si Annabelle.

Ang ilan dito ay: “Nasusuka ako sa systema!”

“Never expect others to protect you. For all you know youre the only one left who has (what you call) BALLS in this business. SICK!!!”

“Pag umiwas kami kailangan ba dahil ayaw ka namin makita? Dba pwedeng dahil MAY PINAG ARALAN KAMI? Hahahaha…”

Nung Biyernes naman ng gabi, si Annabelle naman ang nag-tweet nang ganito: “Meron kang anim na kotse? Nakapark sa bahay mo? Sino na naman kayang car rental ang nabiktima mo???”

Si Nadia kaya ang pinapasaringan ni Annabelle?

Hanggang saan kaya aabot ang pagpapasaringan sa Twitter ng dalawang inang ito?

Ang iba pang artistang mahilig mag-tweet pero wala naman pinapasaringan ay sina Keann Cipriano, Bianca Gonzales, JM Guzman, Assunta de Rossi, Ara Mina, Ogie Alcasid, Angelica Panganiban, Derek Ramsey, Solenn Heusaff, Rufa Mae Quinto, Amy Perez, Wyn Wyn Marquez, Roco Nacino, Paulo Avelino, at Martin del Rosario.

Marami ring newscasters at TV reporters na masipag mag-tweet, halimbawa’y sina Julius Babao, Ces Drilon, Kara David, Ryan Chua, at Junyee Loyola.

Si Mo Twister din nga pala ay mahilig din mag-tweet ng kung anu-anong kahiwagaan na siya lang ang nakaiintindi.

May Twitter din nga pala kami: @dannyvibas. Konting showbiz reporters lang ang mahilig mag-tweet, at ang pina-follow namin ay sina Dinno Erece, Noi Calderon, Lito Mañago, at Roldan Castro. Mas maraming reporters ang nagpe-Facebook kesa nagtu-Twitter. Ang FB account nga pala namin ay:/danny.vibas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply