Ang mga ninuno ni Ate Glo

SI Ate Glo ay galing sa lahing maharlika na pinamunuan ni Rajah Lakan Dula ng Tondo na kung saan naman ipinanganak si Andres Bonifacio noong Nov. 30 at pinapatay naman noong May 10, 1897 sa Cavite ni Major Lazaro Macapagal sa utos ni Gen. Emilio Aguinaldo.

Si Rajah Lakan Dula ay kumampi sa mga Kastila laban sa mga ibang rajah ng Maynila at bilang ganti ay pinagkalooban siya ng isang bagong kaharian, ang lalawigan ng Pampanga. Ang pinakasikat na kaapo-apuhan ni Rajah Lakan Dula ay si Diosdado Macapagal ng Lubao, Pampanga na naging Pangulo ng Pilipinas.

Matapos mapatay nang pataksil si Bonifacio ay binuwag ni Aguinaldo, na kamag-anak ng mga Virata, ang KKK at isinuko niya ito sa mga Kastila sa halagang $800,000 (Mexican) noong kapaskuhan nang 1887.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ang favorite hero ng mga Macapagal ay si Aguinaldo.

Nang maging President si Macapagal, iniutos niya agad noong May 12, 1962 na gawing first President of the republic si Aguinaldo at gawing independence day ang June 12, 1898.

Nang mapatay si Bonifacio ay nag-aklas ang mga katipunero sa pangunguna ni Gen. Mariano Alvarez (GMA) ng Cavite.

Subalit sadyang mapagbiro ang tadhana. Si GMA, hindi si Gloria Ma-capagal Arroyo, ay naging kamag-anak naman ng mga Virata na kabilang si Prime Minister Cesar EA Virata, ang maginoong Kabitenyo.

Sa isang blog, mayroon din akong nabasang surname na Bonifacio-Aguinaldo. Ganyan kasalimuot ang ating history, kasama na ang history ng mga Macapagal.

Sa pagmamahal ng mga Macapagal kay Aguinaldo,ay ipinangalan ni GMA (Gloria Macapagal Arroyo) ang P200 bilang paggunita sa kanyang amang si Diosdado at kay Aguinaldo sa isang kaduda-dudang independence day na ginanap noong unang panahon sa isang baryo sa Kawit, Cavite sa tulong ng mga Amerikano.

Kamakailan nitong buwang ito, naggawad si Presidente Pinoy ng Order of Lakandula, ang pinakamataas na parangal ng bansa, sa isang taong hindi ko na maalala ang ngalan.

Ang panggiyerang barko natin ay pinangalang BRP Rajah Lakandula bilang pagtingin sa pagkampi ng rajang ito sa mga Kastila laban sa sarili nating mga katutubo.

Siguro nga ay ito ang panahon ng pagtataksil sa ating inang bayan at ang pagbabalimbing ng ating mga pinuno kuno. At huwag kayong magugulat dito. Maraming elementary at high school sa Manila at Pampanga na ang pangalan ay Major Lazaro Macapagal dahil sila nga ay galing sa angkan ng mga Macapagal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply