Ang tunay na supladong solon

MAGUGULAT ang marami sa mahalagang balita at impormasyong nakalap ni matang kuwago ng Remate kung saan isang mambabatas ang hindi mo aakalaing suplado at may kaplastikan sa buhay.

Alam n’yo ba na natuklasan ni matang kuwago na hindi pala type ng senador na ito na siya ay pinagkakaguluhan ng mga tao hindi para kumustahin o makipagkamayan kundi mag-pa-picture lang.

Sa isang eksena o pangyayari sa Senado, patungo sa session hall ang naturang mambabatas at nang makita ito ng isang grupo humiling silang magpa-picture.

Walang nagawa ang mambabatas kundi pagbigyan ang mga ito.

Subalit sa likod pala nito ay masama ang loob ng solon kaya pagtalikod ng mga nagpakuha ng picture ay kanyang ipinatawag ang isa sa mga staff ng special services at sinabihan na sa susunod ay ‘wag ninyo na akong pakuhanan sa mga grupo.

Biruin mo mukhang nakalimutan na ng senador na kundi dahil sa mga Filipinong botante ay tiyak na wala siya sa kanyang kinalalagyan.

Sayang naman ang naturang senador na may utak pa naman at galing sa mabuting pamilya subalit wala palang asal sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.

Ang balita namin, isa itong bigong presidential aspirant at talagang pangarap na maging Pangulo ng bansa.

Tiyak ko na kapag ito na ang naging Pangulo, babalik ang wangwang at bawal na humarang sa kanyang daraanan ang sinoman.

Gusto na ba ninyong mapintahan at magkaroon ng clue kung sino siya?

Heto na: Iniwan niya ang kanyang kapartido kapalit ang pagsuporta sa ibang kandidato.

Puro daldal ang naturang mambabatas na parang isang Uragon baga pero matalino at isang abogado.

Dagdag na clue: Ang latest sa kanyang buhay, meron itong bagong pag-ibig matapos na mapabalitang hiwalay na sa kanyang asawa.

May letrang U sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Uragon baga.

He he he.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply