Ano ba ang TRO?

ANG temporary restraining order ay panandalian lamang, temporary lang subalit kung walang deadline ang TRO at ginawang indefinite, labag na siguro ito sa kagandahang asal.

Walang sinabi ang Supreme Court kung hanggang kailan ang effect ng TRO nila pabor kay Mr. and Mrs. Arroyo.

Ang TRO ay ibinibigay ng isang hukom o huwes para hindi lubos na masaktan ang isang humihingi ng TRO. Kadalasan ay ilang araw lang ang TRO at pagkatapos niyan ay ihaharap na sa hukom o huwes ang dalawang panig upang marinig ang kanilang argumento ng isa’t isa.

Pero paano kung hindi na nagpakita ang mga humingi ng TRO dahil nasa ibang bansa na sila at outside na sila ng jurisdiction ng Supreme Court?

Sa ngayon ay walang sagot ang Korte Suprema tungkol sa katiyakan na pagbabalik ng isang pinagpala ng TRO na nag-abroad na. Ang sabi ng tagapagsalita ng Korte Suprema ay may paraan diyan.

Kung ano ‘yan ay hindi pa niya inihahayag ayon sa aking mga narinig.

Ang TRO ay temporary subali’t hindi ito ini-issue sa isang nangangailangan ng TRO na ang layunin ay pumunta sa ibang bansa.

Dahil nga sa temporary ito, mga ilang araw lang ang itinatagal ng order na ito at sa oras na nagkaroon na ng pagdinig sa issue, kadalasan ay nauuwi sa pag-issue ng preliminary injunction.

Pero kung wala sa Pilipinas ang nanghingi ng TRO, paano magkakaroon ng hearing at preliminary injuction? Maghihintay ba ang Supreme Court hanggang kingdom kam bago madinig ang mga argumento ng dalawang nagtutunggaling panig?

Sa mga korte ay mayroong tinatawag ding restraining order na kung minsan ay permanent restraining order pero kailangan munang magkaroon ng hearing. Ang TRO ay pansandali lang kabaligtaran ng WLO.

Ano ba ang sinasabi ng mga dalubhasa sa batas? Basahin sa wikang Ingles dahil ang mga abogado ay kailangang mag-Ingles para magkaintindihan sila ng mga huwes”

TRO is a court order issued for a limited period as (1) an emergency remedy, (2) to prohibit a person from an action likely to cause irreparable harm or (3) to maintain status quo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply