Anti-Epal bill suportado ng Malakanyang

SUPORTADO ng Malakanyang ang “anti-epal” bill na isinumite ni Sen. Miriam Santiago upang hiyain ang mga pulitiko at opisyal ng gobyernong nagki-claim ng credits para sa mga proyekto ng public works.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, kahit si Pres. Benigno Simeon Aquino III ay ayaw nang malagay ng kanyang pangalan o mukha sa billboards at signage ng public works projects.

Mula nang maupo si Aquino noong Hunyo 2010, wala nang government project billboard na ma  pangalan o mukha niya.

Matatandaang nagsumite si Santiago ng Senate Bill No. 1967 na magpapakulong ng anim na buwan hanggang isang taon sa public official na maglalagay ng pangalan o mukha sa signages na nag-aanunsyo ng proyekto ng public works.

Kasama sa ipinagbabawal ang kasalukuyang government projects na sumasailalim sa maintenance o rehabilitation.

Gayunman, pinapayagan ng panukala na malagay ang pangalan, imahe o logo ng lokal o national government agency na nagpapatupad ng proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply