Anti-EPAL bill suportado ng mga kongresista

MAHIGPIT na sinusuportahan ng mga kongresista ang Anti-EPAL bill ni Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Ito ay matapos ihain nina Bayan Muna party list Reps. Teddy Casino at Neri Colmenares ang panukalang batas na nagbabawal sa mga pulitiko na ipangalan sa kanila o kaanak ang mga proyekto o serbisyo publiko na ipinagawa o ipinamahagi.

Ayon kay Casino, simula pa noong 13th at 14th Congress inihain ang nasabing panukala subalit hindi ito nagtagumpay na maipasa para maging batas.

Ito ay dahil na rin sa nadodominahan umano ang Kongreso ng mga political clans at dynasties.

Umaasa ang mga mambabatas na dala na rin sa paghahain ni Senadora Miriam Defensor Santiago ng ganitong panukala ay muli nilang inihain ang House bill 2309.

“Thus, a compromise measure is being offered to simply ban the naming of public properties, public services and government programs after incumbent public official and their immediate relatives. This would, at least, put a stop to one of the most despised practices of political dynasties,” ayon sa mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, bawal na ipangalan sa incumbent officials o kanilang pamilya ang anumang public property at government services na ibinigay sa publiko gamit ang pondo ng bayan.

Ang sinumang lumabag dito ay pagmumultahin ng P20,000-P50,000 para sa unang opensa; P50,000-P70,000 at pansamantalang diskuwalipikasyon sa paghawak ng opisina ng 3-6 na taon sa ikalawang opensa at P100,000-P300,000 at absolute perpetual disqualification sa pangtalong pagkakataon. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply