Apartment nasunog sa Quezon City

NASUNOG ang isang dalawang-palapag na apartment sa Narcisus Street Barangay Roxas sa Quezon City Huwebes ng hapon.

Nabatid na pag-aari ng isang Norma Panganiban ang nasunog na apartment kung saan limang pamilya ang naapektuhan.

Sinasabing sa kwarto ng isang umuupa na si Cesar de Guzman nagsimula ang sunog na kumalat sa ibang bahagi ng apartment.

Umabot pa ang sunog sa ikatlong alarma.

Tinatayang umabot sa P2 milyon ang halaga ng napinsala habang wala namang naiulat na nasugatan o namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply