Appointment ni Lee pinababawi kay PNoy

DAPAT nang bawiin ni Pangulong Noynoy Aquino ang appointment ni Domingo Lee bilang kinatawan ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Senador Serge Osmeña, upang hindi maging kahiya-hiya ang Pilipinas sa Chinese government dahil wala naman umanong nalalaman si Lee bilang ambahador.

Dagdag ng senador, malaking problema sa sandaling matuloy na makumpirma si Lee bilang ambahador ng Pilipinas sa China.

Giit ni Osmeña, walang sapat na karanasan na humawak ng isang sensitibong posisyon si Lee gaya ng pagiging ambassador extraordinary and plenipotentiary sa nasabing bansa.

Ibinulgar din ng senador, dahil lang sa pagiging malapit na kaibigan ng pamilya Aquino, partikular si dating Pangulong Corazon Aquino ang dahilan kung bakit itinalaga bilang ambassador ng bansa sa China si Lee.

Dahil dito, hindi na naman nakalusot sa committee level ng commission on appointments ang nominasyon ni  Lee.

Muling iginiit ni Osmeña, walang diplomatic experience si Lee.

Aniya, disastrous ang appointment ni Lee bilang kinatawan sa China.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply