Aquino admin namimili ng kasong reresolbahin – Marcos

IGINIIT ni Senador Ferdinand  Marcos Jr. na pinipili lamang ng Aquino administration ang pagpapatupad ng batas sa mga kasong nakasampa sa korte at gustong resolbahin.

“They are very selective in the application in justice, they are very selective in the application in the use of the powers of the executive.” Ani Marcos.

Ito ang naging reaksyon ni Marcos sa agarang pagsasampa ng kaso at pagpapalabas ng warrant of arrest kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kumpara sa ikalawang taon ng Maguindanao massacre.

Ayon sa senador, kung talagang naipatutupad ang batas ng kasalukuyang administrasyon, tulad ng ginawang railroading sa kaso ng dating pangulo, bakit hindi aniya ipatupad din sa kaso ng Maguindanao massacre kung saan ay 58 katao ang namatay kabilang na ang mga mamamahayag.

“Kung kaya nilang gawin ang kaso kontra sa isang pangulo sa palagay ko, dapat ay bigyan din ng pagmamadali ang hustisya para sa mga pamilya nang mga pinaslang dun sa Maguindanao massacre,” ani Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos, nakakapagtaka kung bakit hanggang sa ngayon ay napakabagal pa rin ng galaw ng kaso ng Maguindanao massacre.

“Nakita naman natin na kung gugustuhin ng gobyerno ng DOJ, ng prosecutor, may paraan naman na gawing mabilis, kagaya ng nakita natin na wala pang isang araw, na may nag-file ng complaint, nag-isyu ng arrest warrant in less that day,” wika pa ni Marcos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply