Aquino admin ‘OA’ kay GMA— ex-Cong. Jalosjos

PINUNA at tinawag na “OA” (over-acting) ni dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos ang ginawa ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani Jalosjos, pangit ang justice system sa bansa kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Arroyo at naniniwala aniya siya na mayroong nangyayaring railroading.

Sinabi ni Jalosjos na hindi dapat ginigipit ng administrasyong Aquino ang dating Pangulo at dapat na bigyan ng due process ukol sa ibinibintang na kaso dito.

Matatandaan, si Jalosjos ay isa lamang sa nabigyan ng pardon ni Arroyo pero nilinaw ng dating opisyal na naaayon naman ito sa batas.

Ang pahayag ni Jalosjos ay hinihinalang pagbabayad-utang sa pagpapababa sa parusang dalawang habambuhay na pagkabilanggo sa kanya.

Maaalala na mula sa double life sentence o 80 taon, ibinaba ni dating pangulong Gloria Arroyo sa 16 taon ang parusa kay Jalosjos na nahatulan sa salang panggagahasa sa isang menor de edad noong 1996.

Ang desisyon umano ng pamahalaan na ibaba ang hatol kay Jalosjos ay walang kinalaman sa ulat na nagbigay ng kontribusyon ang pamilya ng dating kongresista sa kampanya ng mga kandidato ni Arroyo nitong nagdaang 2007 elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply