Aral at nabagong statement na naman ni Ramona buking sa sariling video

HULING-HULI sa video ang tila aral na panibagong statement ni Ramona Bautista hinggil sa akusasyon sa kanya sa pagkakapatay sa sariling kapatid na si Ramgen Revilla.

Sa video na kanyang ipinadala sa isang istasyon ng telebisyon, mula sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng bagong bersiyon sa krimen, ay kitang-kita ang pagkalito nito sa kanyang mga susunod na sasabihin.

Sa nasabing video rin isinabit ni Ramona sa pamamaslang kay ramgen ang personal assistant nito na si Ronald Ancajas.

Sa taped message ni Ramona, direkta niyang pinangalanan si Ancajas bilang natatanging tao umano na nakaaalam sa mga lakad ng kanyang kapatid.

Dgad namang humarap sa media si Ancajas at inihayag na masama ang kanyang loob sa mga naging pahayag ni Ramona na nagdidiin sa kanya sa pagkamatay ni Ramgen.

Giit ni Ancajas, hindi niya magagawang patayin ang amo dahil napakabait nito sa kanya at itinuring niya itong kapatid.

Nagtataka naman si Ancajas kung bakit ngayon lang siya dinawit ni Ramona. Siya na nga raw ang nawalan ng trabaho at amo, siya pa ang isinabit sa krimen na hindi naman niya aniya ginawa.

Binanggit din ni Ancajas na may pag-aaway ang magkakapatid sa pera dahil inaakusahang corrupt si Ramgen.

Kumbinsido raw siya na ang pag-alis ni Ramona sa Pilipinas ay indikasyon na ito ang may kinalaman sa krimen.

Nais din ni Ancajas na personal na makausap si Senador Bong Revilla dahil may mahalaga siyang sasabihin dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply