Aral sa karanasan ni GMA

KAPANSIN-PANSIN ang ilan sa pinakamaiinit at malalaking isyu na patuloy na kumakain ng headlines ng mga pahayagan at maging ng radyo at telebisyon.

Nandiyan ang misteryosong pagpatay kay Ramgen Revilla na kung saan ang itinuturong mga suspek sa krimen ay ilan sa kanyang sariling mga kapatid.

Maliban sa Ramgen murder case ay mainit ding usapin ang hiling ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Justice Secretary Leila de Lima na payagan siyang umalis ng bansa para ipagamot ang kanyang sakit.

Sa kasamaang palad ay nabigo si GMA na kumbinsihin si De Lima na bawiin ang watchlist order na iniisyu laban sa kanya.

Entonses, hindi siya pupuwedeng umalis at sa halip ay kailangang harapin niya ang sanrekwang mga kaso na isinampa laban sa kanya.

Sa totoo lang ay hindi lamang ang pamahalaang Aquino ang nagsampa nang mga kaso laban sa kanya kundi maging ang iba’t ibang  indibidwal at grupo na walang ibang hangad kundi makita siyang nasa likod ng rehas.

Katuwiran kasi nila ay maraming dapat ipaliwanag si GMA sa mga nangyaring katiwalaan at korapsyon noong panahon ng kan-yang panunungkulan at kailangang pagbayaran niya ang mga iyon.

Sa dami nang mga kaso na isinampa na kay GMA na pawang  heinous crimes gaya ng plunder at electoral sabotage, kung sakali at ma-convict siya kahit sa isa lang sa mga ito ay siguradong hindi na siya makalalabas ng kulungan.

Tsk!tsk!, Parang gusto ko tuloy maawa kay GMA.

Mula sa pagiging pinakamaka-pangyarihang tao rito sa bansa sa loob ng may siyam na taon ay naging parang anino na lang siya nang kanyang dating sarili.

Kung sa isang salita lang niya non ay nagkakandarapa na ang mga tao na sumunod sa kanya, ngayo’y kailangan pa niyang makiusap sa dati niyang tauhan para lamang ipagamot ang kanyang sarili.

Totoo na dating tauhan ni GMA si de Lima dahil noong termino niya bilang Pangulo ay itinalaga niya si De Lima bilang pinuno ng Com-mission on Human Rights.

Actually, hindi lang si De Lima ang dating mga tagasunod lang ni GMA ang nasa puwesto ngayon sa pamahalaang Aquino.

Nandiyan sina Department of Social Welfare and Development  Secretary Dinky Soliman, Finance Secretary Cesar Purisima at marami pang iba na “nagpagamit” din kay GMA noong nasa kapangyarihan pa ito.

Kung meron mang aral na makukuha sa nangyayari ngayon kay GMA, ito ay hindi dapat makalimutan ng kahit sino na nasa kapangyarihan na lahat ng bagay ay may katapusan.

Ganundin naman dapat ay hindi maging mapagsamantala ang mga taong nasa paligid niya, dahil lahat ng sablay na gagawin nila ay siguradong ang bosing nila ang mapuputukan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply