ARC natakasan ng preso sa kasagsagan ng laban ni Pacquiao

DAHIL abala sa panonood ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, natakasan ng isang preso ang Aklan Rehabilitation Center (ARC) kahapon (Nobyembre 13).

Ikinasa naman agad ni retired Senior Inspector Helacio Guarino, jail warden ng nasabing rehabilitation center ang pagtugis sa suspek na si Mario Trinidad, 48-anyos na may kasong murder.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang pagpuga ni Trinidad sa pagitan ng alas-2 at alas-3 ng hapon na kasagsagan ng laban ni Pacquioa sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

Aminado naman si Guarino na sinamatala ni Trinidad ang pagkakataong nakatutok ang buong pamunuan ng ARC sa bakbakan ni Pacquiao at Marquez gayundin ang mga iba pang preso.

Ayon pa kay Guarino, nakatakas si Trinidad sa pamamagitan ng pag-akyat nito sa pader na nasa likurang bahagi ng ARC habang ang lahat ay nakatutok sa laban ng dalawang sikat na boksingero sa telebisyon.

Sinabi ni Guarino na mula pa kagabi hanggang ngayong araw ay hindi tumitigil ang kanyang mga tauhan sa paghahanap kay Trinidad.

Isa sa mga nag-udyok kaya tumakas si Trinidad ay dahil nabalitaan nitong nagtanan ang kanyang anak na babae na graduating sa high school.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply