Ari-arian ng mga Ligot kinukumpiska na ng BIR

SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbawi sa mga ari-arian nina dating AFP Comptroller Jacinto Ligot at asawa nitong si Erlinda.

Ang pagbawi ng BIR ay para makolekta ang P428M buwis na hindi umano binayaran ng mag-asawang ligot mula taong 2001 hanggang 2004.

Kabilang sa mga ari-arian ng mag-asawang Ligot na nais bawiin ng BIR ay ang tatlong magkakahiwalay na dollar deposits, dalawang lupa sa Malaybalay sa Rizal, isang condo sa Makati, isang Toyota Hi-lux gayundin ang dalawang bahay ng mga Ligot sa Amerika.

Tinawag naman na forum shopping ng abogado ng mag-asawang Ligot ang ginagawa ng BIR.

Hindi pa umano dapat kumilos ang BIR dahil may forfeiture case na nakasalang ngayon sa Sandiganbayan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply