Ariel Rivera ayaw sa Kapatid Network mas gusto sa Kapamilya!

WHAT Ariel Rivera and Carmina Villaruel have in common (peram Manay Ethel Ramos)? Well, aside sa pareho silang artista, ang mga mahal nila sa buhay na sina Gelli de Belen at Zoren Legaspi ay sumakabilang bakod na sa Kapatid Network. At tuwing tinatanong itong si Carmina kung susundan na ba nito ang mister na si Zoren sa TV5, hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila itong kumpirmahin ng manager niyang si Tita Dolor Guevarra.

Sa part naman ni Ariel, kaagad nitong nilinaw na may bagong teleserye siyang gagawin sa Kapamilya Network at ito ay sa unit ng head ng Star Cinema at Star Television na si Ma’am Malou Santos na parehong may hawak ng mga top-rater teleserye na “Reputasyon” at “Maria La Del Barrio.”

Huling napanood ang singer/actor sa “Mula sa Puso” na dinirehe ni Wenn Deramas. Meaning, kahit magkano o very tempting pa ang offer walang weder siyang iwan ang Kapamilya. Right decision at right career move ito para sa mister ni Gelli.

***

Duet ni Claire at ng kanyang talent inaabangan na sa ‘Protege’

DEAD-MA muna si Ms. Claire dela Fuente sa issue nito sa LTFRB dahil mas tinututukan niya ngayon ang gagawin nilang production number ng talent niyang si Jensen Kyra Tenoso this Sunday sa controversial na singing talent search sa GMA-7 na “Protege” na umi-ere after “Kap Amazing Stories” ni Senator Bong Revilla.

Yes, for the very first time kagaya nang mga ginagawa ng co-mentors at mga protege, magdu-duet sina Claire at Jensen kaya siyempre lahat nang preparations ay ginagawa ng nasabing famous diva/talent manager para mapaganda ito at maging sulit ang panonood ng televiewers.

Honestly, lahatin mo na, tanging ang tandem ng dalawa ang parating pinag-uusapan sa show. At dahil popular sila, iniintriga na sila ng mga hunghang na blogger. Lalo na dito kay Ms. Tenoso na talagang andaming naiinggit sa kanyang fans ng mga kasamahan sa Protege.

Anyway, may panawagan si Ms. Claire sa lahat na maaari niyo silang iboto ng very promising niyang alaga pag-start nang show. Bale nasa 3rd Elimination Night na ang next episode na ito na may theme na “Duet with my Mentor.”

To vote, just type PROTEGE (space) JENSEN and send to 367 for Smart and Talk ‘N text and for Globe/TM/Sun, padala n’yo naman ito sa 2344. No limit ang voting. So vote as many as you can bilang suporta sa Batangas’ pride na si Jensen Kyra Tenoso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply