ARMM OIC ni PNoy hinarang sa SC ni Koko

HINARANG ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang itatalagang officer in charge ni Pangulong Benigno Aquino III sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) sa pamamagitan ng petisyon na humihiling na ikonsidera ng Supreme Court ang desisyon nito.

Hiniling din ni Pimentel sa SC na panatilihin sa puwesto ang kasalukuyang opisyal ng ARMM bilang hold-over capacity hanggang sa susunod na halalan sa rehiyon.

Sa kanyang motion for reconsideration na inihain nitong Huwebes, kabilang sa nagpetisyon sa G.R. No.  197280 sina Almarim Centi Tillah, Datu Casan Conding, at ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP Laban), sa pamamagitan ni dating Sen. Aquilino Pimentel Jr. bilang legal counsel.

Anila, nabigo ang SC na makitang nilabag ng RA 10153 ang Saligang Batas, binalewala ang Local Government Code at isinantabi ang Organic Act na nagbuo sa ARMM.

Pinanindigan ng nagpetisyon na labag sa layunin ng demokrasyang ibinabandila sa Saligang Batas ang synchronized elections na itinakda ng naturang batas.

Sa ilalim ng republican democracy, kailangan maihalal ang lahat ng mamamahala sa iba’t ibang antas ng gobyerno.

Ngunit, sa RA 10153, nauna nang pinagtibay ng SC na pinapayagan ang gobyerno na magtalaga ng opisyal sa halip na ihalal.

Ayon sa mga nagpetisyon, masyadong bentahe ang maitatalagang opisyal na di makukuha kung walang koneksyon sa Palasyo nang walang suporta mula sa soberenya ng mamamayan sa rehiyon.

Sa ilalim ng RA 10153, binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Aquino na magtalaga ng OIC base sa rekomendasyon ng isang komite.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply