Army patay, apat sugatan sa bakbakan sa Agusan

ISANG tauhan ng Philippine Army ang napatay, habang apat iba pa ang malubhang nasugatan sa magkakaugnay na sagupaan ng NPA at militar sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte.

Ayon sa report na nakarating sa Fort Bonifacio mula kay  Lt. Joe Patrick Martinez Company Commander ng 42nd CMO ng 4th Infantry Division Philippine Army, hindi na umabot pa sa ospital si PFC Ninolito Gulane sanhi ng tinamong tama ng punglo sa katawan.

Habang inilikas naman sa  4th Ifantry Division Hospital sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City ang dalawa sa mga sugatan.

Samantala, ang isa sa apat na sugatan ang nananatili pa rin sa isang ospital sa Butuan City habang ang isa ay nagtamo lamang ng slight injury.

Una nang kinilala ang mga sugatan na sina Capt. Mark Steve Cimini, Cpl.  Mabel Sacayan, Pvt. Jose Sedrome at Pvt. Henry Simmber ng  elite Army Scout Rangers.

Sa huling sagupaan na naganap bandang 11:00 ng umaga nitong Linggo ay binangga ng mga tauhan ng 5th at 6th Scout Ranger Companies ang isang malaking pangkat ng New People’s Army sa kagubatan ng Barangay Bangayan, Kitcharao.

Makalipas ang 30 minuto  makaraan ang sagupaan ay muling nakabakbakan ng militar ang umaatras na mga rebelde.

Patuloy ang ginagawa ngayong pagtugis ng militar sa mga tumatakas na rebelde na sinasabiing kabilang sa responsable sa pagsalakay sa mining sites sa Surigao del Norte at umatras sa Agusan del Norte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply