Arnel Ty, 8 pa pinakakasuhan ng DOJ

PINASASAMPAHAN na ng kaso sa korte ng Department of Justice (DoJ) si LPGMA Rep. Arnel Ty at iba pa sa paglabag sa RA 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act.

Bukod kay Ty, kabilang sa mga pinakakasuhan ay sina Danilo Chua, Alison Sy, Rene Rosell, Ronnie Sevillana, Mar Dave Tang, Virginia Cid, Bonifacio Eleria at Antonio del Rosario.

Sa resolusyon na isinulat ni Prosecution Lawyer Cesar Angelo Chavez III at aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano, tinukoy ang paggamit ng price signaling bilang isa sa mga hakbang na ginagamit ng mga respondent para diktahan ang presyo ng LPG ng kanilang mga competitor.

Ito ang kauna-unahang kaso ng cartelization na isinampa ng DoJ.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamong inihain ni Jesus Arranza, chairman ng Federation of Philippine Industries noong Oktubre 22, 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply