Arogante, gago, tadong taga-SM MOA

AY naku po, ang buhay nga naman ng tao. Pag minamalas ka at makatatagpo ka ng mga taong gaya nitong arogante na Tenant Creation Officer ng SM Department Store ng Mall of Asia (MOA) na si Marvin Lim, ewan ko lang. Pag hindi  ka makapagtimpi,  baka mapatay mo pa ang mga ganitong uri ng tao.

Tingnan ninyo ang kawalanghiyaan ng ‘tadong’ mamang ito. Kamakailan lamang ay isinilebreyt ng SM MOA ang ‘All souls Day.’ Namigay ng mga candy sa mga bata ang nasabing department store para sa trick or treats ng kanilang establishment.

Ang siste, nadulas ang dalawang bata na naroroon at nabaldog ang mga ulo upang isugod ang mga ito sa klinik ng nasabing establishment. Habang nasa klinik ang mga naaksidenteng bata ay dumating ang isang nagngangalang Byron Glenn Sua, Management Trainee, para humingi ng dispensa sa mga magulang ng mga batang naaksidente.

Pero pagdating ng gagong si Lim na naka-costume pa naman ng pang-military ay biglang hinatak ang supot ng candy sa bata. At saka sabay-sabi sa mga magulang ng mga bata ng, “Ang kakapal ng mukha ninyo, binibili namin ito at ipinamimigay sa mga bata tapos nanakawin ninyo!”

At saka hinagisan pa ng tarantadong ito ng candy sa mukha ang umiiyak na bata. Hindi ba isang gago’t kalahati ang mokong na ito?

BOOKIES SA LAGUNA LARGADO NA ULI

Nagsimula nang ilarga ni Edwin Olazo alyas Tose ang bookies ng STL nito sa San Pedro, San Pablo at Calamba, Laguna.

Hindi mapatigil ni Laguna PD Supt. Gilbert Cruz dahil sa naka-payola sa pulis na si Villanueva.

Balewala ang ‘all out war vs gambling’’ ni R 4-A RD Gen. Gil Meneses.

oOo

Anoman ang reklamo o puna,i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply