Arraignment nina Mikey, Angela iniatras sa 2012

INATRAS kaninang umaga ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 199 sa susunod na taon ang arraignment nina Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at misis na si Angela kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa laban sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Pinagbigyan ni Judge Marie Cristine Jacob ang mosyong inihain ng abogado ng mag-asawang Arroyo na si Atty. Roy Rundain noong Nobyembre 3 na ipagpaliban muna ang pagbasa ng
sakdal sa dalawa.

Ang mag-asawa ay aalis mula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 7 patungong Amerika upang makipagpulong sa Filipino community doon kaya itinakda na lang ang arraignment sa Enero 18, 2012.

Dedesisyunan naman ng korte sa Biyernes, Nobyembre 11 ang request to travel ng mag-asawa na kapwa inilagay ng Department of Justice (DOJ) sa watch list order (WLO).

Si Arroyo ay nahaharap sa tatlong bilang ng tax evasion case habang nahaharap naman sa pitong counts ang misis nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply