Arraignment sa Ramgen slay case naudlot

NAUDLOT ang nakatakdang arraignment ngayong araw ni Ramon Joseph “RJ” Bautista na isa sa suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen.

Batay sa ulat, nagpasya ang Parañaque City Prosecutor’s Office na iurong ang petsa sa gagawing arraignment.

Babasahan sana ngayon ng kasong murder at frustrated murder sa Parañaque City Regional Trial Court (RTC) si Ramon Joseph kaugnay ng pagpatay sa kanyang kapatid na si Ram Revilla.

Nakatakda rin sanang dinggin ng korte ang motion to quash the information na inihain ng kampo ni Ramon Joseph matapos ibasura ni Prosecutor Leah Roma ang kanilang petisyon na mapalaya ito habang dinirinig ang kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply