Arroyo camp: DOJ may kinikilingan

INAKUSAHAN na rin ng kampo ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang Department of Justice (DOJ) ng double standard sa pagpapairal ng batas.

Kinukwestyon ni Elena Bautista Horn, tagapagsalita ni Arroyo,  ang DOJ dahil dapat umano ay naglabas agad ito ng watchlist order laban kay Ramona Bautista na sangkot sa pagpatay sa kapatid nitong si Ramgen at hindi na hinintay pa ang request mula sa Philippine National Police (PNP).

Mistulang binalewala lang umano ng DOJ ag pagkamatay ni Revilla nang payagang makalabas ng bansa ang akusado gayong malakas na ang probable cause laban dito.

Taliwas aniya ito sa kaso ni Arroyo na tila naisyuhan na ng hold departure order (HDO) gayong wala pang naisasampang kaso sa dating Pangulo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply