Arroyo camp maghahain ng supplemental motion

ISUSUMITE ngayon ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mosyong kumukuwestiyon kung labag sa Saligang Batas ang joint panel ng Department of Justice (DOJ) at Commission on Elections (Comelec) preliminary investigation committee.

Hiniling din ng kampo ng mga Arroyo ang isa pang temporary restraining order (TRO) para ipasuspinde ng Korte Suprema ang lahat ng legal na epektong ginawa ng DOJ-Comelec committee, sa layuning mapawalang bisa ang arrest warrant laban kay Ginang Arroyo.

Biyernes ng gabi (Nobyembre 18) nang ilabas ang arrest warrant laban sa dating Pangulo matapos makitaan ng probable cause ng Pasay Regional Trial Court (RTC) sa kasong electoral sabotage. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply