Arroyo reresbakan ng Morong 43

MAGHAHAIN ng danyos-perwisyo ang tinaguriang Morong 43 laban kay dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo , sa pamamagitan ng pagsasampa ng petisyon sa Quezon City Regional Trial bukas.

Sa ipinalabas na pahayag ng Free the 43 Health Workers Alliance, layunin ng kasong sibil na maningil ng danyos-perwisyo kay Mrs. Arroyo at militar na sangkot sa pagkulong sa kanila noong February 2010 na labag sa batas at karapatang pantao.

Nasa sala ng Quezon City Regional Trial Court branch 226 ang naturang kaso.

“This case, which was filed on April 4, 2011, has not gone beyond the single and only hearing last June 10, 2011, and that no summons have been issued or served after more than 7 months since it was filed,” ayon sa mosyon.

Kalahok ang Morong 43 sa panawagan na litisin si Mrs. Arroyo sa paglabag sa karapatang pantao na ginawan ng nakaraang administrasyon sa loob ng siyam na taong panunungkulan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply