Arsobispo: ‘Di makatao ang pagtrato kay GMA

TILA hindi umano makatao at makatarungan ang pagtrato sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa pagsasampa ng kasong electoral sabotage at pag-aresto sa kanya.

Ito ang inihayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa itinuturing niyang ligal ngunit malupit na ipinapakitang pagtrato sa dating lider ng bansa.

Ayon sa Arsobispo, dapat aniyang binigyan ng konsiderasyon ng pamahalaan ang kondisyon ni Arroyo.

Mahalaga umanong maigawad ang katarungan sa sino mang nagkasala ngunit dapat din aniyang magkaroon ng elemento ng pagkahabag at pagkaawa sa naging kondisyon ng dating Pangulo.

Ayon pa kay Cruz, naniniwala rin ito na minadali ang pagsampa ng kasong electoral sabotage sa Pasay RTC laban sa dating Pangulo upang mapigilan lamang itong makalabas ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply