Asawa nagselos: may-ari ng hardware store, kasambahay pinatay

PINATAY ang isang may-ari ng hardware store kasama ang kanyang kasambahay sa mismong bahay nito sa Brgy. East Bajac-Bajac kaninang umaga, Nobyembre 21.

Nakilala ang biktima na si Leon Ong, may-ari ng Zambales Hardware at ang kanyang kasambahay na si Linda Guerrero.

Natagpuan ang bangkay ni Ong sa kanyang kuwarto na nagtamo ng tatlong sugat sa katawan habang si Linda naman ay natagpuan sa may sala na nagtamo ng isang sugat bandang alas- 3 ng madaling-araw.

Ayon sa barangay official ng East Bajac Bajac, hindi naman kinakitaan ng pagpuwersa sa pagpasok sa loob ng bahay at tinitingnang selos ang motibo ng pamamaslang.

Ayon naman sa asawa ng biktima na si Sally Ong na ilang araw bago nangyari ang krimen, nakatanggap siya ng tawag at nagsasabing “Bantayan mo ang katulong mo, meron ginagawang kalokohan.”

Hinala naman ni Sally na ang asawa ng kasambahay nila ang tumawag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply