Asphalt batching plant sa Parañaque

TOTOO sa kanyang salita noong panahon ng kampanya para sa 2010 elections, naitayo na sa ilalim ng liderato ni Parañaque Mayor Florencio M. Bernabe Jr. ang sariling asphalt batching plant ng naturang syudad na matatagpuan sa Barangay Tambo.

Ito ay upang mapabuti ang lagay ng kalsada at mapanatiling maganda ang mga ito.

At nito lamang nakaraang linggo ay nagsimulang mag aspalto na sa kahabaan ng Presidents’ Avenue sa Brgy. BF Homes na isang pangunahing kalsada sa Parañaque.  Sa bagong kagamitang ito ni Mayor Bernabe at ng Lungsod ng Parañaque ay tiyak na makakatipid ng malaki ang lokal na pamahalaan nito.

Ang pagkakaroon ng Parañaque ng sariling asphalt batching plant, ay sumisimbolo sa kakayahan ng lungsod na magsagawa ng agarang pag-aayos ng kanilang mga sirang kalsada.

Hindi lang yan, syempre gaganda pa lalo ang daloy ng trapiko sa buong Parañaque.

Ayon kay Mayor, “Makakapag-aspalto na tayo araw-araw. This is where your taxes are wisely spent!”

Iyan ang alkalde ko! Maraming salamat Mayor Jun Bernabe.

*****

BUKAS ay pauwi na po ang inyong linkgod mula sa Chiang-Rai, Thailand kung saan ay naanyayahan po tayo ng Ford Group Philippines (FGP) para sa isang test drive ng bagong Ford Ranger na ilalabas sa ating bansa sa first quarter ng susunod na taon.

Kasama ang mga ibang miyembro ng motoring media, kami ay nagmaneho ngayon ng higit sa 130kms na patag at mga paahong mga daan sa Chiang-Rai at mga kalapit lugar nito di pa kasama ang dirt road at “water wading” activities kung saan ay nasubukan ang kakayahan ng bagong Ranger pick-up.

Ang bagong Ford Ranger ay may 2.2L at 2.5L Duratec petrol engines at mayrooon din 3.5L Duratorq TDCI diesel engine.  May mga hi-tech features rin ito tulad ng Bluetooth with Voice Control at Rear-View Camera System bukod pa sa water wading capabilities na hanggang 800mm at mga teknolohiya tulad ng Hill Descent Control at Hill Launch Assist.

Mapapanood niyo po ang Ranger test drive sa programang Stoplight TV.  Maraming Salamat kay FGP President Randy Krieger at ng kanilang Asst. VP-Communications Anika Salceda.

*****

Umarangkada na ang 2011 TRS-Ford Fiesta Cup sa Batangas Racing Circuit noong Nob. 13.

Ang unang race weekend ay may tatlong rounds na pinalanunan ni dating Negros Occidental 4th Dist. Rep. Charlie Cojuangco (Round 1 at 2) at ni Pacific Jetcorp Inc. President Ross Jackes (Round 3).

Ang susunod na karera ay sa Disyembre 11 sa Clark International Speedway sa Angeles, Pampanga.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ-AM 810 khz. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood din ito sa iba’t-ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply