Ate Vi ngarag pa sa two-week vacation kaya di pa nakapagtatrabaho

NABAHIRAN ng alegasyong lutong-Macau ang naging panalo ng Pambansang Kamao, Manny Pacquiao over Juan Manuel Marquez ng Mexico nitong nakaraang Linggo sa MGM, Las Vegas kung saan nanalo ang kontrobersyal na pugilist sa majority decision base sa card ng tatlong judges ng kanilang laban na pinanood ng mahigit pa sa 16,000 capacity ng nasabing arena sa Vegas.

Kung napakatindi at napaka-ingay ng kantiyawan sa loob ng MGM arena, mas nakabibingi ang pumalit na pag-BOO kay Pacquiao ng mga nanood sa kanilang sagupaan ni Marquez. Ano kaya ang saloobin ng mag-asawang Pacquiao na nakatatanggal-tutule ang sigaw na inabot ng ating boxing champ?

But again, Pacquiao’s statement after the fight, it’s the judges decision. Tama nga naman.

Hindi lang sumang-ayon ang mga nasa MGM at ang buong mundo sa pagkakatalo ni Marquez. Maging sa mga Pinoy, majority sa ating boxing aficionado ay tanggap na hindi ito ang dapat na maging panalo for Pacquiao.

Sa Punto por Punto ni Mr. Anthony Taberna noong Lunes, November 14, sa “Umagang Kay Ganda,” a day after the fight tinalakay ang nasabing controversial fight at sa bomoto sa pamamagitan ng text votes ng Punto por Punto, kung dapat bang si Pacquiao ang panalo sa laban.

Ang bomoto nating kababayan for Pacquiao, 553 votes, samantalang sa hindi dapat siyang (Pacquiao) manalo, ang bilang ay 738.

Na kung tutuusin, sabi nga ni ka Tunying Taberna sa kaniyang editorial, ” Napatunayan natin na tayong mga Pinoy ay hindi santambak na bulag na taga-sunod. Hindi po tayo nagpapanggap na masayang-masaya kung hindi naman,” ani Ka Anthony.

Dagdag pa ni Anthony Taberna sa kaniyang opinyon, “Kahit mahal po natin si Pacquaio, kaya po nating sabihin sa buong mundo na hindi po ito ang uri ng panalo na maipagmamalaki ng mga Filipino,” sang-ayon pa si Anthony na hindi dapat si Pacquiao ang manalo sa nakaraan nitong laban.

Kaya nga faw sumisigaw ang kampo ni Marquez na hometown decision o Las Vegas decision ang naging panalo ni Pacquiao dahil suki na ito ng MGM?

Isa pa, kung nanalo si Marquez, hindi raw kayang bayaran ng Las Vegas ang lahat ng mananalong pumusta sa Mexican boxer.

***

SA TAMPUHAN ng magkakaibigang Randy Santiago at John Estrada kay Willie Revillame, naniniwala ang una na balang araw ay magkakabati-bati rin sila.

“Ako, naniniwala na isang araw, magkakabati-bati rin kami,” ani Randy.

Naniniwala rin itong ang pagbabati ay kusang nagaganap at hindi na kinakailangan pa ang emisaryo o isang mamamagitan dahil ito’y personal na silakbo ng damdamin in case nag-krus ang kanilang landas.

“Hindi mangyayari yong pagku-krus ng landas hangga’t hindi pinaplano. Puwedeng magkita kung paplanuhin ang pagkikita,” katuwiran ni Randy.

Sa kabuuan ng aming usapan, hayaan na lang daw na ang tadhana ang mamagitan sa kanilang magkakaibigan.

“Tampuhan lang ‘yan, wala naman kaming pinag-awayang grabe,” pagtatapos pa ni Randy sa amin.

***

AYON sa aming Vilmanian source, hindi muna makapag-susyuting dis week ang Batangas Governor ng kaniyang “The Healing” movie under Star Cinema dahil kagagaling lamang nito sa dalawang linggong bakasyon sa Thailand at Malaysia.

In fact, hindi nga raw ito nakapag-report sa Kapitolyo nitong nakaraang Lunes dahil ngarag pa ang Star for All Seasons sa grand escapades with husband senator Ralph  Recto, son Ryan Christian at ilang  malalapit na staff.
Welcome back, Ate Vi!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply