ATS ng MILF sa Basilan burado na – PH Army

TINIYAK ni Philippine Army Commanding General Arturo Ortiz na hindi na umiiral ang Area of Temporary Stay (ATS) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan.

Ayon kay Ortiz na  2007 pa ipinairal ang konsepto ng ATS sa Basilan para maiwasang maulit ang pamumugot sa 10 miyembro ng Philippine Marines na sinasabing pumasok noon sa teritoryo ng MILF.

Gayunman, nasa kamay na aniya ngayon ng mga nakatataas na opisyal kung paano tatratuhin ang naturang impormasyon.

Inihayag pa ni Ortiz na wala siyang pagsisising hindi natapos ang problema sa Basilan sa ilalim ng kanyang pamumuno na magtatapos sa susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply