Away ng magkakapatid na Bautista kinumpirmang matagal na

SA sinumpaang salaysay ng mga kasambahay ng pamilya Bautista, lumalabas na malala at matagal nang may alitan ang pinaslang na si Ramgen Revilla at kanyang mga kapatid.

Ayon kay Ronald Ancajas, personal assistant ni Ramgen, isa sa pinag-aawayan ng magkakapatid ay sa pera dahil si Ramgen ang may hawak ng budget sa bahay.

Sinisiraan din daw ni Ramgen si Ramon Joseph Bautista sa kanilang amang si Ramon Revilla Sr., kaya ilang buwan ding hindi nagkibuan ang mga huli.

Ayon sa kwento ni Ancajas, 10:00 ng gabi noong Oktubre 28 ay nasa bahay siya ng mga Bautista habang nagbo-boxing si Ramgen at may kausap naman sa cellphone si Ramona Bautista.

Pagkakain ni Ancajas, pumanhik siya ng kuwarto at natulog.

Nang magising daw siya ay sumilip siya ng bintana at saktong nakitang palabas ng gate ng subdivision si RJ kasunod si Ramona.

Natulog daw siyang muli at dakong 12:00 na muling nagising dahil pilit na siyang pinapababa ng mga pulis.

Ayon naman sa sinumpaang salaysay ni Roseyln Albajer, isa sa tatlong kasambahay ni Ramgen, natutulog na sila noon sa maid’s quarter nang makarinig ng sigaw ni Janelle Manahan, kasintahan ni Ramgen.

Pero bigla rin aniyang tumahimik si Janelle kaya hindi na nila pinansin.

Inamin naman ng mga kasambahay ni Ramgen na sanay na sila sa madalas na pag-aaway ng magkakapatid.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply