Ayudang pera sa mga rebelde, wag nang ulitin

TINUTULAN ni Senador Francis Pangilinan ang pagbibigay ng administrasyon Aquino ng pera sa mga rebeldeng grupo.

Iginiit ni Pangilinan sa government peace negotiating panel na huwag nang uulitin pa ang pagbibigay ng cash na financial assistance sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at anupamang rebeldeng grupo.

Ayon kay Pangilinan, wala itong nakikitang ilegal sa pagbibigay ng financial assistance subalit, sa halip na pera ay mas makatwirang ibigay ay aktwal na mga proyekto na pakikinabangan ng mga rebelde na sinusuyo na magbalik-loob sa gobyerno.

Aniya, maaaring magbuhos ang gobyerno ng pondo para sa mga proyektong agricultural, mga health center, eskwelahan at livelihood projects para sa mga rebelde at mga komunidad na sinasabing sumisimpatiya sa mga rebeldeng grupo.

Ani Pangilinan, lahat ng mga ibibigay sa mga rebelde, kailangang magkaroon pa rin ng proper accounting at transparency.

Una rito, inamin ng Malakanyang na nagbigay sila ng P5 milyon cash para umano sa training ng MILF members sa Bangsa moro leadership and management institute.

May mga report din  na may nauna pa sa halagang ito.

Umaasa si Pangilinan na magkakapaliwanagan ukol dito ang peace panels ng gobyerno at ng MILF sa muli nilang pag-uusap.

Magugunita, nitong Huwebes muling binuksan ang informal talks ng peace panels ng gobyerno at ng MILF sa Kuala Lumpur sa Malaysia, wala pang isang buwan mula nang mapatay ng mga MILF ang 19 sundalo sa Al-barka, Basilan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply