Azkals luhaan na naman sa SEAG

LUHAAN na naman ang Philippine team Azkals U-23 nang talunin Timor Leste sa 2011 SEA Games sa iskor na 2-1  na ginaganap sa Indonesia.

Sa ikalawang pagkakataon ay natalo ang Azkals U-23 sa Timor Leste.

Unang naka-convert ng goal ang Timor Leste subalit nagawang maitabla ng Pilipinas sa goal ni OJ Porteria, sa first half ng laro.

Subalit sa second half, muling nakapag-goal ang Timor Leste at sa kabila ng pagsisikap na maitabla, hindi na nakahabol pa ang Azkals U-23.

Una nang natalo ang Pilipinas sa Vietnam.

Sunod na makakalaban ng Azkals U-23 ang Brunei Darussalam sa Miyerkules.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply