Azkals nilapa ng Vietnam sa SEAG

NILAPA ng Vietnam ang koponan ng Philippine Azkals Under-23, sa opening match ng 2011 Southeast Asian Games sa Stadion Utama Gelora Bung Karno sa Indonesia.

Tatlong goal ang nagawa ng powerhouse team na Vietnam at isang goal ang na-convert ng Pilipinas.

Unang naka-goal ang Azkals sa pamamagitan ni Manny Ott sa first half ng laro.

Subalit hindi ito umubra sa matibay na depensa at agresibong opensa ng Vietnam na nagbuhos ng tatlong goals sa second half ng laban.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang Timor Leste sa Lunes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply