B-Meg hahatakin pababa ang Tropa

PAUMENTO ang B-Meg Llamados habang galing naman sa nakahihiyang pagkatalo ang Talk ‘N Text Tropang Texters.

Nakatakda silang magtuos bukas (Nobyembre 29) dakong alas-7:30 ng gabi para pagandahin ang kanilang team standing sa 2011-12 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tumarak ng limang sunod na panalo ang Llamados upang masolo ang third spot na may 7-4 win-loss slate habang nananatiling nasa unahan ang Tropang Texters tangan ang 8-2 record matapos ang nakakapanlumong 96-131 pagkaluhod sa Powerade Tigers kagabi (Nobyembre 27).

Sa unang laro maghaharap naman ang nagbabalak na makuha ang top spot Petron Blaze Boosters (8-3) at naghihingalong Alaska (3-8) sa alas-5:15 ng hapon.

Binuwenas ang mga dehado kagabi dahil matapos matalo ang league leader Tropang Texters sa Tigers ay winasiwas din ng barako Bull Energy ang Rain or Shine Elasto Painters, 106-102.

Nanggulat si Mick Pennisi ng 22 puntos at siyam na rebounds upang ilista ang 6-5 panalo-talo karta ng Energy.

Tumulong ng 21 points si rookie Dylan Ababou habang nag-ambag din ng 16 si Willie Miller, 14 si Danny Seigle at 11 si Don Allado para ilaglag ang Elasto Painters sa fourth to fifth places na may 7-5 baraha.

Dumating si dating Sen. Robert Jaworski noong Linggo sa Big Dome upang manguna sa panalanging inalay ng liga para kay Big Boy Reynoso na namatay noong isang linggo sa Sacramento, California. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply