B-Meg pupupog vs RoS

DAHIL may tsansa pang sumingit sa top two slots sa playoffs, paniguradong pupupog ang B-Meg Llamados sa Rain or Shine Elasto Painters sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum bukas (Nobyembre 25).

Mag-isa sa pang-limang puwesto ang Llamados bitbit ang 6-4 win loss card habang ang makakatunggaling Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi ay may 7-3 record.

Sasandalan ng B-Meg ang kanilang four-game winning streak at sasamantalahin ang kamalasan ng Rain or Shine na galing sa dalawang sunod na kabiguan.

Sa una, medyo nangangapa pa ang Llamados sa pamatay na triangle ni head coach Tim Cone kaya ang apat na sunod na panalo nila ang nagpapatunay na nakakakikig na sila sa sistema.

Sa unang sultada sa alas-5:15 ng hapon ay maghaharap ang naghihingalong Powerade Tigers at naghihinagpis na Shopinas.com Clickers.

Nananatiling nagsosolo sa tuktok ng team standings ang Talk ‘N Text Tropang Texters hawak ang 8-1 panalo talo karta habang kasalo sa second spot ng RoS ang Petron Blaze Boosters. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply