Babaeng DH ‘di na papayagan mag-abroad

MALAKI ang posibilidad na hindi na makapag-abroad ang mga babaeng domestic helper (DH) dahil sa sunud-sunod na kasong pagmamaltrato ng kanilang mga amo.

Ang paglilimita sa pag-a-abroad ng DH ay inihayag ni Philippine Overseas Employment Agency (POEA) administrator Carlos Cao kasunod na rin ng maraming kaso ng mga kababaihan na nakakaranas ng pagmamaltrato sa ibang bansa.

Ayon kay Cao, hinihiling na rin niya na huwag nang payagan ang mga babaeng DH na magtarbaho sa ibang bansa, lalo na kung maliit din lang naman ang kanilang kikitain doon.

Iginiit pa ni Cao na marami namang trabaho sa Pilipinas na maaring pasukan ng mga kababaihan kaya lang madalas nagiging problema ang labor mismatch o trabahong hindi akma sa kanilang kakayahan.

Sa kabila nito, kumikilos naman ang POEA katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng tamang trabaho para sa mga babae.

Sinabi ni Cao na hindi naman sapilitan ang pagta-trabaho sa abroad dahil sa nararanasang kahirapan sa buhay bagkus ito ay dahil sa desisyon ng isang tao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply