Babala ng MMDA: Trapik mas titindi

NAGBABALA ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko partikular na sa mga motorista dahil mas titindi o dodoble pa umano ang pagkakabuhol-buhol ng trapiko na mararanasan lalo na ngayong papasok na ang panahon Kapaskuhan na tinatayang magtatagal hanggang Enero 2012 partikular na sa Eastern part ng Metro Manila.

Ito’y dahil sa nakatakdang pagtatayo ng dalawang flyover ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa may Lanuza at Julia Vargas sa Pasig City. May isang taon at dalawang buwan umano na timetable ang dalawang proyekto.

Sinabi ni Tolentino na magpupulong sila ng mga opisyal ng DPWH sa Disyembre upang pag-usapan ang naturang mga proyekto. Hihilingin ng MMDA sa DPWH na magsagawa muna ng road widening sa naturnag mga kalsada upang kahit papaano ay makadaan ang mga sasakyan.

Inamin rin nito na sa Disyembre 15 pa nila ganap na ipatitigil ang lahat ng paghuhukay at pagkukumpuni ng mga kalsada kaya inaasahan pa ang gusot na trapiko sa mga lugar na may konstruksyon.

Upang maibsan naman ang nag-umpisa nang napakatinding daloy ng trapiko sa Kamaynilaan, sinabi ni Tolentino na muli nilang ipatutupad ang mga Christmas lanes na tinatawag ring “Mabuhay lanes” ng MMDA o iyong mga alternatibong kalsada na maaaring bagtasin ng mga motorista upang makaiwas sa mga kalsada na buhol-buhol ang trapiko.

Kabilang sa mga Christmas lanes ang pagdaan sa Roxas Boulevard at C5 Road sa Southern Metro upang makaiwas sa trapiko sa Edsa at Mindanao Avenue naman sa Northern Metro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply